^

Metro

Shootout: 2 karnaper utas

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang miyembro ng carnapping syndicate, na sangkot din sa ilegal na droga matapos makipagbarilan ang mga ito sa mga pulis kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Napag- alaman sa hepe ng Caloocan City Police na si Police Senior  Supt. Chito Bersaluna, dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril  ang hindi pa nakilalang mga suspect.

Ang dalawa ay positibong itinuro ni Raymond Dela Peña, 26,  na  tumangay ng kanyang motorsiklo na nakaparada sa loob ng kanilang garahe.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:15 ng madaling araw,  galing  si Dela Peña sa tanggapan ng Anti-Carnapping Unit, North Caloocan City Police kasama ang kanyang pinsan upang ireport ang pagkawala ng kanyang motorsiklo.

Nang mapansin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo sa kahabaan ng Domato Avenue,  Phase 12, Brgy. 188 ng naturang siyudad.

 Agad  na bumalik ang biktima sa himpilan ng Police Community Precinct (PCP)-4 at humingi ng tulong kay Police Chief Inspector  Timothy Aniway Jr., kung kaya’t mabilis na rumisponde ang mga  police sa naturang lugar alas-4:05 ng madaling araw.

Nang mapansin ng mga suspect ang mga pulis ay mabilis na humarurot ang mga ito patungong Excess Lot, Phase 12 at  pumasok sa isang abandonadong bahay at nang papalapit na ang mga  pulis ay agad nila itong pinaputukan.

Gumanti  ang mga pulis at sa palitan ng putok, dito na nakitang bumulagta ang mga suspect.

Narekober ng mga tauhan ng  Scene Of the Crime Office (SOCO) mula sa mga nasawing suspect ang  isang Colt cal. .45 pistola, isang kalibre .38 revolver, dalawang sachet ng shabu at ang Suzuki Smash 110 motorcycle na pag-aari ni Dela Peña.

 

SYNDICATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with