2 bulagta sa illegal drugs

MANILA, Philippines - Dalawang  ‘tulak’  ang bumu­lagta  matapos na tangkain man­laban sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 3, na aaresto sa kanya kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, May­nila.

Dead-on-arrival sa Jose Re­yes Memorial Medical Center (JRMMC) sina  Cyrus Marfil, alyas Nognog, 33, at Marlon Rapa, 24, at kapwa taga Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila. 

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joseph Kabigting, ng Manila Police District-homicide section, naganap umano ang buy-bust operation dakong alas-6:20 ng gabi sa isang eskinita sa may Oroquieta St. malapit sa Doroteo Jose St. sa Sta. Cruz.

Nabatid nanakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa pagbebenta ng ilegal na droga ni Marfil dahilan para isagawa ang buy bust ope­ration kung saan nagpanggap na poseur buyer si PO3 Mark Lester Ong.

Gayunman, matapos iabot ang P500 marked money nakahalata si Marfil na pulis ang ka-transaksiyon dahilan para sumigaw ito kay Rapa ng “Pare pulis iyan’, patungkol sa mga kasamahang pulis ni Ong na sina PO3 Gener Paguyo at PO3 Ferdinand Concon na ka­usap ni Rapa.

Kaagad na bumunot ng baril ang dalawang suspek pero na­unahan silang barilin ng mga pulis na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang .38 kalibre, 8 sachet ng shabu at P500 marked money.

Show comments