DOLE office sa Intramuros, pinaulanan ng bala

Sa ulat ni PO3 Ferdinand Leyva, ng MPD-Station 5, naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng madaling araw sa DOLE main building na matatagpuan sa Muralla Drive, panulukan ng General Luna St., sa Intramuros.
File

MANILA, Philippines - Masuwerteng walang tinamaan ng bala makaraang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang main door ng Department of Labor and Employment (DOLE) main office sa Intramuros, Manila, kahapon ng mada-ling araw  kasabay nang pagdiriwang ng Labor Day.

Sa ulat ni PO3 Ferdinand Leyva, ng MPD-Station 5, naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng madaling araw  sa DOLE main building na matatagpuan sa Muralla Drive, panulukan ng General Luna St., sa Intramuros.

Naka-duty umano ang security guard ng DOLE na si Ruel Artezuela, 33, sa information/reception desk, nang magulat sa sunud-sunod na putok ng baril kaya agad na lamang siyang dumapa upang hindi matamaan.

Nang tumahimik na ang paligid ay saka lamang ini-report ni Artezuela sa kanyang mga kasamahan ang insidente at idinulog sa Intramuros Police Community Precinct (PCP).

Sa pagresponde ng mga pulis, narekober ang walong basyo ng bala mula sa kalibre 9mm na baril habang may mga tama ng bala ang main door.

Patuloy pa rin ang isinasagawang im­bestigasyon sa insidente.

Show comments