^

Metro

Hepe, 12 tauhan sa MPD-Station 1, sinibak

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Hepe, 12 tauhan sa MPD-Station 1, sinibak
Ang siksikang piitan sa MPD-Station 1 sa Raxabago sa Tondo kaya umano ang ilan ay nailagay sa sinasabing ‘‘secret cell’’. Sa kanang larawan ininspeksyon kahapon ni NCRPO director Oscar Albayalde ang nadiskubreng ‘‘secret cell’’ ng istasyon kaya nasibak sa pwesto ang hepe at 12 tauhan nakadestino rito.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines - Sinibak na  sa puwesto ang  station commander ng Manila Police Ditrict-Station 1 at 12 nitong tauhan upang bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa natuklasang tagong kulungan kung saan nakapiit ang may 12 preso na pawang inaresto kaugnay sa iligal na droga.

Kahapon ay nag-isyu ng kautusan si MPD director C/Supt. Joel Napoleon Coronel para sa pagtatanggal sa pwesto kay Supt. Robert Domingo, ng MPD-Station 1 at mga tauhan mula sa Station Drug Enforcement Unit (DEU) na pinamumunuan ni Senior Inspector Edwin Fuggan.

Pansamantala lamang umano na itinalaga si Supt. Alberto Barot o bilang officer in charge kapalit ni Domingo.

Kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng sopresang pagbisita at inspeksiyon sa nasabing police station ang mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR) matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa diumano’y mga preso na hindi pa nasasampahan ng reklamo at ginagawang gatasan. Nang magtungo sa presinto ay nadiskubre naman na may tagong kulungan sa likod ng isang book shelf na ayon sa CHR, ay hindi makatao na doon sila ipiit.

Wala ring rekord ng pag-aresto at hindi pa nai-inquest sa piskalya ang mga nakapiit sa tagong kulungan. Ayon sa  ilang preso ilan sa kanila ay may mahigit isang linggo nang nakapiit at ipinatutubos sa mga kaanak kapalit ng kalayaan.

Itinanggi naman ni Domingo at sinabing inaresto ang mga suspek sa ‘‘One Time Big Time operation’’ na isinagawa nila nitong Huwebes lamang, bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad ng idinaraos na 30th ASEAN summit sa bansa.

Pansamantala umanong ikinulong ang mga ito sa naturang kulungan dahil hindi pa nasasampahan ng kaso, bukod pa sa sobrang siksikan na rin ng bilangguan nila, na may 40-person capacity lamang, pero mayroon ng mahigit na 80 bilanggong nagsisiksikan doon.

Hindi pa rin aniya nagagawa ang report sa pag-aresto dahil iisa lamang ang kanilang computer.

Itinanggi rin naman ni Domingo na sinasaktan nila ang mga bilanggo at hinihingian ng pera para sa kanilang kalayaan.

 “It’s their words against our words. Alegasyon na lamang po nila ‘yan,”  ani Domingo.

 Pinabulaanan rin ni Domingo na sikreto ang naturang bilangguan dahil alam aniya ng mga kaanak ng mga bilanggo na doon sila nakakulong sa temporary holding area ng mga hindi pa nakakasuhan.

 Nagpahayag rin sa kahandaan si Domingo na harapin ang anumang kasong isasampa ng CHR laban sa kanila.

DRUG ENFORCEMENT UNIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with