Naka-charge na cell phone sanhi sa pagsiklab ng sunog
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.1 milyong halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang siyam na commercial establishment sanhi umano ng napabayaang naka-charge na cell phone sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Quezon City Fire Marshal Supt. Manuel Manuel, ang sunog ay naganap sa may Calderon St., ng nabanggit na barangay, dakong alas-3:22 ng madaling araw.
Partikular anyang nagsimula ang sunog sa isang industrial establishment na gumagawa ng muwebles kung saan base sa ilang kawani ay naiwan ang isang cellphone na naka-charge na pinaniniwalaang pumutok.
Dahil sa mga nakaimbak na combustible materials tulad ng varnish, pintura at thinner ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tulu-yang lamunin ang nasabing mga establisimento.
Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang maapula ito dakong alas 4:15 ng madaling araw.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog kung saan nasa siyam na pamilya ang naapektuhan.
- Latest