Ambush: Opisyal ng Coast Guard, misis todas

Ang bangkay ni LTJG Archie Hicban ng Phil. Coast Guard habang inilalabas sa driver’s seat ng puting Mitsubishi Strada makaraang ambusin ng riding in tandem. Nasawi rin sa insidente ang misis nitong si April.
Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at misis nito nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng isang pick-up at bumibiya-he sa Tondo, Manila kama-kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sina  Lt. Junior Grade (LTJG) Archie Hicban, dating nakatalaga bilang Coast Guard Station Commander sa Naga Camarines Sur at kasaluku-yang sumasailalim sa Coast Guard Command and Staff Course at misis nitong  si April Hicban, 38, kapwa residente ng 6 Montmarte Street, Merville Park, Parañaque City.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo at nakasuot ng helmet at face mask na tumakas matapos ang insi­dente.

Sa report ni Det. Marlon San Pedro ng  Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang pananambang sa Road 10, sa kanto ng Capulong Street sa Tondo, na sakop ng Brgy. 105, Zone 8.

Sa salaysay ng mga barangay tanod sa lugar, lulan ang mga biktima ng isang puting Mitsubishi Strada GLX, (TRO-633), at bumibi­yahe sa Road 10 nang ma-pahinto ang mga ito sa stop light, sa kanto ng Capulong Street.

Huminto din sa tabi ng sasakyan ng mga biktima  ang motorsiklo ng mga sus­pek      at kaagad silang pinaulanan ng bala, bago nagsitakas.

Tinangka pang iligtas ng opisyal ang misis sa pamamagitan ng pagyakap dito at pagsangga sa mga bala suba­lit nasawi rin nang masapol sa ulo, dibdib at braso.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang 14 na basyo ng bala at bag ni Hicban, kung saan nakuha ang kanyang driver’s license. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen. 

Show comments