Deadline para sa Comelec registration, malapit na

Ayon sa Comelec, tuloy ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng mga mag-paparehistro para sa nasabing halalan.
PAUL JUN E. ROSAROSO

 MANILA, Philippines - Muling  nagpaalala ang Commission on Election (Comelec) sa mga magpaparehistro sa synchronized barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 2017.

 Ayon sa Comelec,  tuloy ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng mga mag-paparehistro para sa nasabing halalan.

 Bukas ang kanilang mga tanggapan simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at huwag na umanong hintayin pa ang last minute o deadline sa pagpapa-rehistro sa Abril 29.

Umaabot na sa  2,174,601 na aplikasyon  para sa voter’s registration ang  natanggap na ng Comelec mula noong Nobyembre 2016 hanggang Marso, 2017.  

Show comments