Dahil sa illegal parking
MANILA, Philippines - Dalawa pang barangay captain ang kinasuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Office of the Ombudsman dahil pinapayagan umano ng mga ito mag-illegal parking sa kanilang hurisdiksiyon ang mga pasaway na moto-rista.
Hindi umano naresol- ba at nasawata nina Chairmen Michael Philip Factor, ng Brgy. Don Galo, Parañaque City at Elmer Ma-turan, ng Brgy. Bagumba-yan, Quezon City ang mga illegal parking sa kanilang nasasakupan kung kaya’t sinampahan ang mga ito ng kaso sa Ombudsman, ayon ito kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) Chairman Thomas “Tim” Orbos.
Nabatid, na unang sinampahan ng kaso sa Ombudsman sina Chairmen Antonio Benito Calma Jr., ng Brgy. Don Manuel at Clarito de Jesus, ng Brgy. Veterans Village sa Quezon City.
“They would have to respond to summon from the Ombudsman,” ani Orbos.
Sinabi ng naturang opisyal, na hiningi nila ang tulong ng mga barangay official para sa mahigpit nilang kampanya kontra illegal parking.
Subalit, may ilang barangay chairman ang hindi nakikipagtulungan sa kanilang programa tulad ng apat na kinasuhan.
Sinabi pa ni Orbos, matapos ang paggunita ng Semana Santa, patuloy ang isasagawa nilang clearing operation laban sa mga illegal traffic obstruction sa kahabaan ng Roxas Boulevard, partikular sa area ng Baclaran.