^

Metro

2 pang brgy. chairmen kinasuhan sa Ombudsman

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa illegal parking

MANILA, Philippines -  Dalawa pang barangay captain ang kinasu­han ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Office of the Ombudsman dahil pinapayagan umano ng mga ito mag-illegal parking sa kanilang hurisdiksiyon ang mga pasaway na moto-rista. 

Hindi umano naresol-   ba at nasawata  nina Chairmen Michael Philip Factor, ng Brgy. Don Galo, Parañaque City at Elmer Ma-turan, ng Brgy. Bagumba-yan, Quezon City ang mga illegal parking sa kanilang nasasakupan kung kaya’t sinampahan ang mga ito ng kaso sa Ombudsman, ayon ito kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) Chairman Thomas “Tim” Orbos.

Nabatid, na unang si­nam­pahan ng kaso sa Ombudsman sina Chairmen Antonio Benito Calma Jr., ng  Brgy.  Don Manuel at Clarito de Jesus, ng Brgy.  Veterans Village  sa Que­zon City.

“They would have to respond to summon from the Ombudsman,”  ani  Orbos.

Sinabi ng naturang opisyal, na hiningi nila ang tulong ng mga barangay official para sa mahigpit nilang kampanya kontra illegal parking.

Subalit, may ilang barangay chairman ang hindi nakikipagtulungan sa kanilang programa tulad ng apat na kinasuhan.

Sinabi pa ni Orbos, ma­tapos ang paggunita ng Semana Santa, patuloy ang isasagawa nilang clearing operation laban sa mga illegal traffic obstruction sa kahabaan ng Roxas Boulevard, partikular sa area ng Baclaran.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with