^

Metro

4 bayaning pulis, pinarangalan ni Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na bayaning pulis kabilang ang isang lady cop na sumagip sa sanggol na nilulunod ng kaniyang ina sa Manila Bay sa lungsod ng Maynila at isang buong tapang na nakipagbarilan sa tatlong holdaper sa bus robbery sa Quezon City ang pinarangalan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Ronald “Bato ‘ dela Rosa sa Camp Crame.

Kabilang sa mga pinarangalan sa isang simpleng seremon­ya sa Camp Crame ay sina PO3 Joselito Lantano  ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG); PO2 Carolina del Rosario,  mga kasamahan nitong sina PO1’s  Randy del Rosario at Arce James Saique  mula sa Malate Police Station. Si Lantano mula sa pagiging PO2 ay  binigyan ng promosyon ni Dela Rosa na itinaas sa susunod na ranggo bilang PO3 habang dagdag suweldo naman at benepisyo sina Del Rosario.

Sinabi ni Dela Rosa na kahangahanga ang ipinamalas na katapangan ni PO3 Lantano na naka-off duty nang rumes­ponde sa robbery/holdup sa loob ng Diamond Star bus (UYB 132) sa kahabaan ng Edsa North bound sa Quezon City dakong alas-2 ng madaling araw noong Abril 4 kung saan napatay nito ang isa sa mga holdaper at pagkadakip pa sa dalawa.

Bunga nito ay ginawaran rin ni Dela Rosa si Lantano ng bagong Glock 30 caliber pistol  at bilang tugon ay sinabi naman ng bayaning parak na higit pang magiging inspirado sa kaniyang pagtupad ng tungkulin.

Samantalang  pinarangalan rin ni Dela Rosa sina PO2 Del Rosario at mga kasamahan nitong sina PO1’s Del Rosario at Arce James Saique; pawang ng Manila Police District (MPD) Station 9 na nagligtas sa isang sanggol na naaktuhan ng mga itong nilulunod sa Manila Bay ng isang adik na ina noong Abril 6 ng taong ito.

Batay sa report, nakatanggap ng tawag sa telepono ang MPD Station 9 hinggil sa isang ginang na nilulunod sa Manila Bay ang kaniyang sanggol kaya mabilis na nag­responde at nailigtas ang munting anghel.

“ Isa rin po akong ina, parang anak ko na yung baby, niyakap ko agad siya ng mailigtas namin at binilhan ng feeding bottle at gatas “, ayon kay PO2 Del Rosario.

Ikinatuwa naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kabayanihan ng mga naturang pulis at nagpaalala sa mga ito na magdoble ingat dahil hindi sa lahat ng laban ay sila ay panalo sa mga elementong kriminal.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with