^

Metro

Police Colonel na nahuling nagsa-shabu, positibo sa drug test

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nag-positibo sa isinagawang drug test ng PNP Crime Laboratory (PNP-Crime Laboratory) sa Camp Crame si Supt. Lito Cabamongan matapos naman itong mahuli ng mga awtoridad sa aktong nagpo-pot session sa isang bahay sa Las Piñas City,  kamakalawa.

Si Cabamongan, ay ang nasibak na hepe ng PNP Crime Laboratory Satellite Office sa Alabang, Muntinlupa City  na  matapos maaresto ay  isinalang sa drug test habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon.  Sa kasalukuyan  ang opisyal ay  nakatalaga  sa General Services Section  (GSS) Administration and Records Management Division sa PNP Crime Laboratory sa National Headquarters ng PNP. 

“Positive sa initial test pa lang. He will be subjected to confirmatory test and the result will be known next week. Our basis, legally, is the result of the confimatory test”,  pahayag ni Chief Supt. Aurelio Trampe, Chief ng PNP Crime Laboratory.

Ayon kay Trampe na kapag lumitaw na posi-tibo sa paggamit ng droga  sa confirmatory test si Cabamongan  ay ito ang pagbabasehan ng pagsasampa ng  karagdagang kasong grave misconduct upang tuluyan na itong masibak sa serbisyo.

Si Cabamongan, 50 at isa pang drug user na si Nedy Sabdao, 44, ay nahuli ng mga operatiba na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Everlasting Homes, Brgy. Talon IV bandang alas -5:30 ng umaga noong Huwebes.  Ang mga suspect ay ipinagharap ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs  Act of 2002.

Samantalang isasalang rin sa neuro psychia­tric test si Cabamongan dahilan sa hindi magandang inasal nito nang iharap ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde  kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa sa press briefing sa Las Piñas City. 

Sa nasabing insidente ay walang pasubaling sinagot-sagot ng pabalang at hindi binigyan ng respeto ni Cabamongan si dela Rosa na sinabing nagsu-surveillance lamang umano siya sa lugar at hindi tumitira ng droga para umano manghuli ng mga drug addict.

Ikinatwiran naman ni dela Rosa na sa ilalim ng internal cleansing ng PNP ay wala sa mandato ni Cabamongan ang manghuli ng mga drug personality dahilan ang bagong tatag na PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ay inatasan niya para sa nasabing misyon. 

Inihayag pa ni dela Rosa na matagal ng dapat nasibak sa serbisyo si Cabamongan matapos itong unang arestuhin kamakailan dahilan sa panggugulo sa isang sinehan kung saan nagpumilit itong manood ng sine ng libre dahilan isa umano siyang opisyal.

Sa rekord ng PNP-Crime Laboratory, sinabi ni Trampe na si Cabamongan ang pinakamataas na opis­yal ng PNP na nagpositibo sa drug test.

LITO CABAMONGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with