^

Metro

70 kilo ng botcha, nasamsam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakasamsam ang mga elemento ng Quezon City Veterinary Office ng may 70 kilo ng botcha o bulok na karne ng baboy sa mga pamilihan sa barangay Sto. Domingo sa lugsod, kahapon.

Bunga nito, pinaalalahanan ni City Veterinarian Dra. Anna Marie Cabel ang publiko na maging mapanuri at kilatising ma­buti ang bibilhing karne tulad ng baboy, manok, baka at iba pa upang makaiwas sa peligro ang kalusugan.

Sinabi ni Cabel na dahil sa mainit na panahon, maraming mga hayupan ang napipinsala na kalimitan ay nangangamatay ang mga alagang hayop at upang mapakinabangan pa ng mga mapagsamantalang negosyante ay naibebenta pa ito sa mga palengke tulad ng botcha.

Sa ngayon ay kumakalat ang mga botcha  o double dead na mga karne ng baboy sa lungsod.

Makikitang hindi aprubadong kainin at hindi ligtas sa kalusugan ang mga karne na walang sertipikasyon ng pagkasuri ng National Meat Inspection Commission.

Hiling ni Cabel sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanyang tanggapan ang nakikitang mga magtitinda ng bocthang karne upang makumpiska at maparusahan ang may-ari nito.

VETERINARY OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with