MANILA, Philippines - Patay ang isang baguhang lady cop makaraang tambangan ng riding-in- tandem habang nagbibiyahe ito papasok sa duty sa Barbosa-Police Community Precinct, ng Manila Police District-Station 3, sa Sta. Cruz, Maynila, kamaka-lawa ng gabi.
Idineklarang dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa Barbosa-PCP, at residente ng Lope de Vega St., Sta. Cruz.
Inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan sa da-lawang gunmen, sakay ng isang motorsiklo, inilara-wan ang isa na nakasuot ng helmet at ang isa ay naka-face mask.
Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:20 ng gabi minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi Mirage G4, may conduction sticker na NP-9583, na habang nasa bahagi ng Rizal Avenue, paliko sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz ay dinikitan ng motorsiklo ng mga suspek.
Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw, na kahit may tama na ng bala ay nagawa pang magpatakbo ng sasakyan ng pulis hanggang sa bumangga na sa nakaparadang tricycle sa lugar sa tapat ng isang dept. store.
Nilapitan pa ng mga salarin ang biktima at mu-ling pinagbabaril ito at ma-ging ang harap at likod ng kanyang sasakyan.
Nakatawag pansin naman sa mga nagpapatrulyang pulis ng Plaza Miranda PCP ang mga putok ng baril at kaagad na rumesponde sa lugar na nagdala rin sa ospital sa biktima.
Blangko pa rin aniya sila sa motibo ng pagpatay sa biktima ngunit ilan aniya sa iniimbestigahan nilang anggulo ay ang mga operasyon sa illegal drugs.
Inaalam din kung nakunan ng closed circuit television (CCTV) ang pangyayari. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.
Nabatid na bagitong pulis na kasama sa Batch 2015-3 Makisig ang biktima.