Konsehal ng Zamboanga itinumba sa Maynila

MANILA, Philippines -  Hindi na nakauwi ng      buhay ang isang city councilor ng Zamboanga Del Sur na dumalo lamang sa convention seminar ng 10th Phi-lippine Councilors League na ginanap sa World Trade Center, Pasay City nang ba­rilin habang namimili ng pasalubong items sa C.M. Recto, Sta. Cruz, Maynila, ka­makalawa ng hapon.

Dea-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos Ge-neral Hospital (JJASGH) ang biktimang si Embang Bonga, 50, residente ng Pantalan St., Purok 1, Barangay Poblacion, Dimata-ling, Zamboanga Del Sur, dahil sa tinamong bala sa ulo.

Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi ng Manila Police District-Homicide Section,  binaril ang biktima ng di pakilalang salarin dakong alas-12:00 ng hapon, sa may panulukan ng Roman St. at C.M. Recto Avenue,   sa Sta. Cruz.

Nagtungo umano sa nasabing lugar ang biktima, kasama ang anak na si Yasher Bonga, 28, at isa pang kapwa konsehal na si Reyham Lazaga, 28, para mamili ng mga souvenir sa pag-uwi sa Zamboanga.

Naglalakad lamang umano ang tatlo nang may biglang lumutang sa ka­ni­lang likod at binaril ng ma­lapitan sa ulo ang biktima.

Mabilis na naglaho ang gunman habang ang biktima ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan sa Binondo.

Nabigla ang mga kasama ng biktima sa bilis umano ng pangyayari kaya hindi nila mailarawan ang hitsura ng gunman.

Inaalam din kung may kaalitan ang biktima na sinundan lamang sa Maynila upang isagawa ang krimen.

 

Show comments