MANILA, Philippines - Utas ang dalawang construction worker nang pagbabarilin habang natutulog sa loob ng tinutuluyan nilang bahay sa Brgy. Payatas sa Quezon City, kaha-pon ng madaling araw.
Nakilala ang mga nasawi na sina Oliver Balise, 24 at Arnulfo Dasig, 62, kapwa construction worker, habang sugatan din ang isa pa nilang kasamahan na si Edgar Las Piñas, 43 .
Base sa report ni P/Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang maganap ang sa loob ng tinutuluyan ng mga biktima sa Gumamela St., Payatas.
Basta na lamang umano pinasok ng mga armadong lalaki sa loob ng bahay sa nasabing lugar at pinagbabaril habang natutulog ang mga biktima.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pamamaslang habang patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon sa insidente.