MANILA, Philippines - Asahan ang masikip na trapik dahil ilang kalsada sa Quezon City ang pansamantalang isasara ngayong weekend para isailalim sa pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Base sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isinara simula alas-11:00 kagabi ang Southbound lane ng Mindanao Avenue mula Mindanao Avenue Bridge hanggang Tandang Sora Avenue. Isasara rin ang Southbound lane ng Commonwealth Avenue mula Don Jose St.,hanggang San Simon St.
Gayundin ang Southbound lane ng Quirino Highway mula Mindanao Avenue hanggang Bernardino St.
Isasailalim din sa road re-blocking ang westbound lane ng Congressional Avenue Extension sa harap ng Shell-Miranda Gate, kung kaya pinapayuhan ang mga daraan dito na bumagtas sa Commonwealth Avenue.
Muli namang bubuk-san sa daloy ng trapiko ang mga nabanggit na kalsada alas-5 ng madaling araw sa Lunes, March 13.
Dahil dito ay pinapayuhan ng MMDA ang mga motoristang daraan sa nabanggit na kalsada na umiwas at dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maipit sa trapiko.