MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong lalaki na itinuturong “Akyat-Bahay” sa serye ng panloloob sa mga kabahayan, sa Tondo, Maynila, kamakala-wa ng hapon.
Ayon kay P/Chief Insp. Eduardo Pama, hepe ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, isinailalim na sa inquest proceedings kahapon sa reklamong paglabag sa Article 299 o Robbery in an Inhabited at Article 297 o Attempted Robbery ng Revised Penal Code ang mga suspek na kinilalang sina Marino Ramos Jr. alyas “Benok”, miyembro ng Sputnik Gang; 21; Michael Aragon, 28, miyembro ng Bahala na Gang at Melvin Gacura, 30, pawang residente ng Aroma, Temporary Housing, Tondo.
Sa imbestigasyon ni PO2 Ryan Paculan, nabiktima ng tatlo ang mga complainant na sina Jonathan Canas, 32, ng no. 136 Moderna St., Balut, Tondo na nata-ngayan ng wallet, cash, iba’t ibang gadget na umabot sa halagang P80,000; Jady Timanglao, 35 ng no. 395 E Antipolo St., na pinasok ang bahay subalit wala namang nakuha at Soledad De La Cruz, 39, na natangayan ng isang laptop na nagkakahalaga ng P40,000, katabing bahay ni Timanglao sa Antipolo St., Tondo.
Nabatid na nitong Marso 3 alas-12 pasado ng hapon ay pinasok ng mga suspek ang bahay ni Timanglao at nagulat siya dahil nasa banyo siya ay naliligo kaya nagsisigaw hanggang sa lumipat umano ng bahay ang mga suspek at nakapasok umano sa bahay ni Dela Cruz na nawalan ng isang unit ng laptop.
Nang mapanood sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng nakasasakop na barangay ay namukhaan si Ramos na isa sa suspek kaya inaresto at iti-nurn over sa MPD-TRS.
Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Pama katulong ang Special Reaction Unit (SRU) ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa Aroma Housing at doon naaresto sina Aragon at Gacura.
Ang tatlo rin ang positibong itinuro na pumasok sa bahay ni Canas noong Enero 28, 2017.