^

Metro

3 miyembro ng ‘Akyat-Bahay’ timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado ang tatlong la­laki na itinuturong “Akyat-Bahay” sa serye ng panlo­loob sa mga kabahayan, sa Tondo, Maynila, kamakala-wa ng hapon.

Ayon kay P/Chief Insp. Eduardo Pama, hepe ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, isinailalim na sa inquest proceedings kahapon sa reklamong paglabag sa Article 299 o Robbery in an  Inhabited at Article 297 o Attempted Robbery ng Revised Penal Code ang mga suspek na kinilalang sina Marino Ramos Jr. alyas “Benok”, miyembro ng Sputnik Gang;  21; Michael Aragon, 28, miyembro ng Bahala na Gang at Melvin Gacura, 30, pawang residente ng Aroma, Temporary Housing, Tondo.

Sa imbestigasyon ni  PO2 Ryan Paculan, nabiktima  ng tatlo ang mga complainant na sina Jonathan Canas, 32, ng no. 136 Moderna St., Balut, Tondo na nata-ngayan ng wallet, cash, iba’t ibang gadget na umabot sa halagang P80,000; Jady Timanglao, 35 ng no. 395 E Antipolo St., na pinasok ang bahay  subalit wala namang nakuha at Soledad De La Cruz, 39, na natangayan ng isang laptop na nagkakahalaga ng P40,000, katabing bahay ni Timanglao sa Antipolo St., Tondo.

Nabatid na nitong Marso 3  alas-12 pasado ng hapon ay pinasok ng mga suspek ang bahay ni Timanglao at nagulat siya dahil nasa banyo siya ay naliligo kaya nagsisigaw hanggang sa lumipat umano ng bahay ang mga suspek at nakapasok umano sa bahay ni Dela Cruz na nawalan ng isang unit ng laptop.

Nang mapanood sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng nakasasakop na barangay ay namukhaan si Ramos na isa sa suspek kaya inaresto at iti-nurn over sa MPD-TRS.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Pama katulong ang Special Reaction Unit (SRU) ng Special Weapons and Tactics (SWAT)  sa Aroma Housing at doon naaresto sina Aragon at Gacura.

Ang tatlo rin ang positibong itinuro  na pumasok sa bahay ni Canas noong Enero 28, 2017.

EDUARDO PAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with