MANILA, Philippines - Tatlong lalaki ang magkakasunod na pinagbabaril at napatay ng umano’y vigilante group sa Caloocan City,kamakalawa at kahapon ng madaling araw.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonathan Gabarda, 26,alyas “Jojo”, obrero, ng # 1021 Zapote St.,Brgy.178 Camarin; Errol Pedelos, alyas “Popong”, tricycle driver ng Phase 5,Package 2, Block 11,Lot 8, Brgy. 176, Bagong Silang at Nicodemus Ampuan,49,ng # 593,Block 8,Lot 5,Phase 3-C,Brgy.20, Kaunlaran Village.
Batay sa ulat, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang pagbabarilin si Gabarda sa may Avocado Street, Brgy. 178 ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Ayon sa tiyuhin ng biktima sa pulisya, sangkot umano sa aktibidad sa iligal na droga ang pamangkin.
Nauna dito, napaslang naman ng alas-8:20 ng gabi ang tricycle driver na si Pedelos nang ito ay harangin habang namamasada ng apat na salarin sakay ng dalawang motorsiklo at pagbabarilin ito.
Lunes naman ng madaling araw nang barilin at mapatay ng mga nakamaskara ring lalaki sa loob ng kanyang bahay si Ampuan