^

Metro

Sunog sa Parola: 3,000 pamilya nawalan ng bahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Parola: 3,000 pamilya nawalan ng bahay
Halos 3,000 kabahayan sa Parola Compound, Tondo, Maynila ang naabo sa naganap na sunog na tumagal ng halos 10 oras na kung saan ay nasa 21 ang nasugatan kabilang ang 16 na bumbero.
Edd Gumban

MANILA, Philippines -  Umabot ng halos sampung oras ang sunog na umabo sa tahanan ng 3,000 pamilya sa Parola, Tondo, Maynila, na nag­simula kamakalawa ng gabi at idineklarang fire-out ka­hapon ng umaga.

Nakapagtala din ng 21 ka­taong sugatan kabilang ang 16 na bumbero na nagtamo ng  minor injuries.

Ayon kay Chief Insp. Marvin Carbonnel, fire marshal ng Manila Fire Bureau, dakong alas-9:41 ng gabi nitong Martes nang sumiklab ang apoy mula sa bahay ng isang Lola Adan.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga magkakadikit na kabahayan na pawang yari sa kahoy sa Area B, Gate 10, Parola, Tondo, na umakyat ang alarma sa Task Force Delta.

Nagkahirapan sa pag-apula ng apoy ang mga bumbero dahil masisikip ang mga da­anan na nakaantala sa pagla­bas at pagpasok ng mga trak ng bumbero na naubusan ng tubig.

Dakong alas-7:25 ng umaga­ na kahapon nang maidek­la­rang fire-out ang sunog.

Tinatayang nasa P6 mil­yon ang halaga ng napinsalang ari-arian at inaalam pa ang sanhi ng sunog.

MARVIN CARBONNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with