^

Metro

2 miyembro ng ‘Basag Kotse Gang’, napatay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang hinihinalang mi­yembro ng kilabot na “Basag Kotse Gang” ang napatay ma­karaang manlaban umano sa mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti Carnapping Unit (QCPD-ANCAR) habang inaaresto matapos na karnapin ang kotse ng isang dalaga sa Barangay UP Village kahapon ng madaling araw.

Ang mga napatay na suspek ay inilarawan sa pagitan ng 25-30 anyos, may taas na 5’5” at 5’7”, may tattoo ang isa na “Roxan Do Or Die” sa dibdib, habang “Andok” naman sa likurang bahagi ng katawan ang isa na pawang mga nakasuot ng kulay itim na jacket, at itim na short at maong pants. 

Base sa ulat, nangyari ang insidente sa may tabi ng National Housing Authority (NHA) sa kahabaan ng Maharlika St., Brgy. Old Capitol Site, QC, dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Bago ito, kasalukuyang nag­papatrulya sa Maginhawa St., Brgy. UP Village QC ang tropa ng ANCAR sa pangu­nguna ni PO3 Roderick Montella nang mapuna ng mga ito ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka at huminto sa tabi ng isang nakaparadang KIA RIO na may conduction sticker na (CF-7740) sa harap ng isang construction supply.

Mula dito ay bumaba ang backrider ng naturang motor­siklo saka hinataw ang kanang bahagi ng harapan ng bintana ng kotse saka nilimas ang mga items na nasa loob nito, bago sumakay sa kasamang nasa motorsiklo at sumibat pa­tungong Masaya St., UP Village.

Agad na kumilos ang mga operatiba ng ANCAR at sinen­yasan ang mga suspek na huminto, ngunit sa halip na sumunod ay humarurot ang mga ito palayo sanhi upang mauwi sa habulan.

Nang makorner ng mga operatiba ang mga suspek sa tabi ng NHA bldg., Brgy. Old Capitol ay nanlaban umano ang mga ito hanggang sa ma­uwi sa putukan at sila’y masawi.

Narekober sa lugar ang isang Honda XRM; dalawang kalibre .38; pitong piraso ng side mirrors; itim na bag; isang pares ng sapatos; SSS at BIR ID na may pangalang Andrea Madrigal; isang IPOD; isang head set; cash na P212.00; at limang piraso ng basyo ng bala.

Lumutang naman sa him­pilan ng pulisya si Andrea Ma­­drigal, 26, dalaga, entrepre­neur ng Tondo Manila at po­sitibo tinukoy na pag-aari niya ang mga narekober na gamit gayundin ang KIA RIO na pi­nagnakawan ng mga suspek.

Kuwento ni Madrigal, ipinarada umano niya kasama ang kaibigan ang kanyang sasakyan sa harap ng construction supply sa Maginhawa St., Brgy. UP Village, saka nagtu­ngo sa isang bar dakong alas-12:10 ng madaling araw.

 Makalipas ang ilang mi­nuto pagkabalik umano nila sa lugar ay nadiskubre na lang na basag na ang kanyang kotse­ at nawawala na ang kanyang mga gamit sa loob nito.

BASAG KOTSE GANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with