3-anyos na anak nilaslas din ang leeg ginang pumalag sa rape ni kumpare, inutas

Agad namang na-da­kip ang suspect na kinilala ni Police Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police na  si  Jayson Del Valle, ng Phase 6, Pac­kage 1, Brgy. 178 Ca­­­ma­­rin  ng naturang lung­sod.

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang habang nasa kritikal na kondisyon ang 3-anyos nitong anak na babae nang laslasin ang leeg ng mga ito ng kumpare matapos manlaban sa tangkang panghahalay ng huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad namang na-da­kip ang suspect na kinilala ni Police Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police na  si  Jayson Del Valle, ng Phase 6, Pac­kage 1, Brgy. 178 Ca­­­ma­­rin  ng naturang lung­sod.

Base sa ulat, nasawi noon din   ang biktimang si Janelle Mangulab-nan, 25, ng Brgy. 178 ng naturang lugar maka-ra­ang laslasin ang leeg nito ng suspect.

Inoobserbahan naman  sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hos-pital ang anak nitong si Zylie Chin na nilaslas din ang leeg.

Ayon sa imbestigas­yon ng Caloocan City Police, naganap ang in­sidente mismong sa bahay ng biktima.

Nabatid na pumunta ang suspect sa bahay ng mga biktima upang dalawin ang kanyang inaanak na si Zylie.

Pinabili pa umano ng suspect ang pinaslang niyang kumare  ng ilang bote ng beer. Wala ang mister ng biktima na isang OFW.

Matapos makainom ng ilang bote ay niyaya ng suspect ang biktima na makipag-sex sa kanya subalit tumanggi ito.

Dahil sa pagtanggi, tinangka na ng suspect na pwersahan na halayin ang biktima na nanlaban naman.

Sinasabing kumuha ng patalim ang suspect at nilaslas ang leeg ng kanyang kumare. Napagbalingan din ng suspect ang nag-iiyak na anak ng ginang na nilaslas din nito ang leeg.

Alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ni Rodolfo Mangulabnan, 51, ama ni Janelle na susundo sana sa  kanyang apong si Zylie Chin.

Matagal itong kuma­katok sa pintuan, suba-lit walang sumasagot, dahilan upang wasakin nito ang trangkahan.

Kung saan tumambad kay Rodolfo ang duguan at walang buhay na anak na si Janelle at ang duguang apo nito, na agad namang humi­ngi ng tulong sa mga kapitbahay upang dalhin sa naturang ospital.

Nadiskubreng na-wa­­­wala ang humigit ku­­mu­lang sa P15,000 cash ng biktima at mga kagamitan nito tulad ng cellphone.

Ang suspect ay si­nampahan ng kasong Robbery with Homicide at Frustrated Homicide.

Show comments