Aberya na naman sa MRT-3, mga pasahero pinababa ng tren
MANILA, Philippines – Pinababa ng tren ang maraming sakay ng Metro Rail Transit (MRT-3) makaraang magkaroon muli ng panibagong aberya sa biyahe kahapon ng umaga.
Nabatid mula sa control tower na MRT-3 na dakong alas-8:41 ng umaga nang tumirik ang biyahe ng isang bagon sa Ortigas Southbound Station.
Sinasabing technical problem ang dahilan ng aberya kaya pinababa ang mga pasahero saka hinatak pabalik ng North Avenue MRT-3 depo ang tumirik na tren.
Sa kabila ng pagmamadali ng mga pasahero patungo sa kani-kanilang destinasyon ay wala silang magawa kundi bumaba ng tren para na rin sa kanilang kaligtasan.
Pinasakay na lamang sa sumunod na bagon ang mga dismayadong pasahero at nagbalik sa normal ang operasyon ng MRT-3 matapos ang 15-minuto.
- Latest