Magpipinsan bulagta sa drug-bust
MANILA, Philippines – Nasawi ang magpipinsan nang manlaban umano sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng Manila Police District-Station 6 sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot ang mga suspek na sina Leo Geluz; Joshua Merced, 22 at Bimbo Merced, 37, pawang residente ng Be-nita Compound, Pasig Line, Zobel Roxas St., Sta. Ana, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 3:00 ng madaling araw nang mapatay ang mga suspek sa kanilang bahay sa ikinasang operasyon na pinamunuan ni P/Inspector Alfredo Tan.
Nakabili na ng hala-gang P200 na shabu sina PO3 Allan Escramosa, PO2 Roestrell Ocampo at PO2 Francisco Mendoza, na umaktong mga poseur-buyer nang mahalata ng mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon.
Nagpaputok ang mga suspek na ginantihan naman ng mga pulis kabilang ang mga nakaposteng back-up kaya agad na bumulagta ang mga suspek.
Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, isang kalibre .22 revolver, isang sumpak, mga bala ng shotgun, 16 na plastic sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.
- Latest