Bagong ahensyang mangangalaga sa trapik, ok sa MMDA
MANILA, Philippines – Bukas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibleng pagtatatag ng pamahalaan ng hiwalay na ahensiya na magbibigay ng solusyon para maibsan ang matinding trapik sa bansa lalu na sa Metro Manila matapos maipasa sa komite level ng Kongreso ang House Bill 4334 (Traffic Crisis Act of 2016).
Inamin ni MMDA officer-in-charge at General Manager Tim Orbos, na walang ngipin o walang police power ang naturang ahensiya, na ang policy making body ay ang Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng mga Metro mayors.
Kung saan kulang din umano sa kapangyarihan ang MMDA sa mga ipinatutupad na patakaran, dahilan upang itatag sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), na binubuo ng MMDA, Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Nabatid na naipasa sa komite level ng Kongreso ang naturang batas, kung kaya’t posibleng magtatag ang pamahalaan ng hiwalay na ahensiyang tututok at lulutas sa matinding trapik na nararanasan sa bansa lalu na sa Metro Manila.
“I fully agree on the creation of one agency that will have all the powers needed to solve and prevent this kind of traffic crisis we have right now if that is the direction of the Senate and House of Representatives,” sabi ni Orbos.
- Latest