^

Metro

2 NBI agents dawit din sa kidnap-slay ng Koreano

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 NBI agents dawit din sa kidnap-slay ng Koreano
Ayon kay PNP Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ito ang lumilitaw base sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pagdukot sa biktimang si Jee na nabul­gar na kinasasangkutan ng mga scalawags na parak sa pangu­nguna ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.
File photo

MANILA, Philippines – Dalawang sibilyang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  kasabwat rin umano sa pagdukot at  brutal na pagpatay sa Korean trader na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame noong Oktubre ng nagdaang taon.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ito ang lumilitaw base sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pagdukot sa biktimang si Jee na nabul­gar na kinasasangkutan ng mga scalawags na parak sa pangu­nguna ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni dela Rosa na mayroong nakuhang impormasyon ang PNP sa NBI na nag-confirm na kasabwat nina Sta Isabel sa pagdukot at pagpatay kay Jee ang dalawang NBI assets.

“Meron talagang… NBI asset yun at driver pa nga ng isang director daw doon so kino-confirm naman nila (NBI). Parang dalawa (ang involved), aside from Jerry, merong hindi pa na-identify,” pahayag ni dela Rosa.

Nakita pa ang mga ito sa isang CCTV footage na kasama ni Sta Isabel na nagwi-withdraw sa ATM machine sa Greenhills, San Juan City.

Ang nasabing pera na wini-withdraw ni Sta Isabel ay bahagi ng P5-M ransom na nakuha sa misis ng biktima na si Choi Kyung Jin. 

Samantalang bukod sa mga natukoy na sangkot sa pagdukot at pagpatay kay Jee ay may grupo rin umanong nasa likod nina Sta. Isabel na isinusuperbisa ang pananabotahe sa anti-drug campaign ng PNP.

Bukod kay Sta. Isabel  ka­bilang pa sa mga pulis na isinasangkot sa krimen ay sina SPO4 Roy Villegas, PO2 Christopher Baldovino at Supt. Gerardo Raphael Dumlao III.

Naniniwala naman si dela Rosa na isang malaking grupo ang nasa likod ng pagdukot at pamamaslang kay Jee.

Magugunita na si Jee ay kinidnap sa tahanan nito sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18 ng nagdaang taon kung saan ang insidente ay nabulgar lamang nitong Enero 11, 2017 matapos namang magpasaklolo na sa mga kina­uukulang ahensya ng pamahalaan ang misis nito.

Kaugnay nito, sinabi ni dela Rosa na maraming masisibak sa PNP-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG)  at PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa kasong ito ka­ugnay ng isyu ng command responsibility.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with