^

Metro

Nag-swimming sa baha: Totoy nalunod

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasawi ang isang 11-taong gulang na lalaki nang malunod sa tubig-baha na kanyang nilanguyan ka­sama ang ilang kaibigan, kamakalawa ng tanghali   sa Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Justin Cesninos, alyas Kalbo, naninirahan sa  Brgy. Panghulo, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagkayayaan ang biktima at mga kaibigan nito na maligo sa mataas na tubig baha sa loob ng Artex Compound sa may Ro­d­riguez Street, ng naturang barangay, na dulot ng manaka-nakang pag-ulan.

Bigla na lamang uma­nong nalunod ang biktima dakong alaa-12:10 ng tanghali kaya agad na humingi ng tulong ang ibang bata.  Makaraan ang halos kalahating oras, naiahon sa tubig ang biktima.

Isinugod ito sa San Lo­renzo Ruiz Hospital ngunit hindi na naisalba ng mga manggagamot ang buhay ng bata makaraang makainom ng napakara-ming tubig.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with