MANILA, Philippines - Tuluyan nang nagwakas ang buhay ng isang lalaki na kilalang ‘‘tulak’’ ng shabu sa Brgy. Payatas, makaraang makipagbakbakan ito sa mga operatiba ng Quezon City Police (QCPD) sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanya sa lungsod, iniulat kahapon.
Sa report ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), ang nasawi ay kinilala lamang sa alyas “Payat” nanunuluyan sa Rosal St., Area A., Brgy. Payatas QC.
Base sa ulat, si Payat ay naging target ng operation ng tropa ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Batasan Police Station (PS-6) sa pa-ngunguna ni Supt. Lito Patay na nagsagawa ng buy-bust operation sa may No. 28-Azucena St., Area A, Brgy. Payatas, Quezon City, dakong alas 12:15 ng tanghali.
Sinasabing pagkatang- gap ni Payat ng halagang P500 kapalit ang shabu sa undercover agent ay nakatunog umano ito sa iba pang nakaantabay na parak dahilan para manlaban at masugatan.
Nagawa pang maitakbo sa East Avenue Medical Center si Payat pero idineklara ding patay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.
Narekober ng Scene of the Crime Operation (SOCO) sa crime scen ang dalawang plastic sachets ng shabu, isang Colt .45 Armscor Pistol na walang serial number, at isang basyo ng bala, gayundin ang P500.00 buy bust money. May nakuha rin ang otoridad ng isang kulay pulang sling bag na naglalaman ng dalawang disposable lighters isang wrist watch at balisong.