MANILA, Philippines - Kapwa tinutulan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang planong pa-mamahagi ng condom sa mga paaralan sa Quezon City.
Anila, may masamang epekto sa mga kabataang mag-aaral kung ngayon pa lang sa murang kaisipan ay mamumulat agad sa paggamit ng condom.
Kaugnay nito, inatasan ni Bautista ang QC Health department na huwag pahintulutang makarating sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ang ipamamahaging condoms ng Department of Health.
Sinasabing payag ang QC govermment na gamitin ang QC public health facilities para sa kampanyang maiwasan ang paglaganap ng sakit na AIDS lalu na sa mga kabataan sa lungsod sa pamamagitan ng pamamahagi ng condoms, pero hindi papayag ang lokal na pamahalaan na maipamahagi ang condoms sa mga paaralan.
Kaugnay nito, niliwanag naman ng QC epinemiology and Surveilance unit na walang pamamahagi ng condoms sa mga public schools sa QC, bagamat sinabi kamakailan ng DOH na sisimulan nila ang pamamamahagi nito sa lungsod.