^

Metro

3 karnaper bulagta sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
3 karnaper bulagta sa shootout
Ang dalawang pinaniniwalaang karnap na motorsiklong na inabandona ng tatlong napatay na karnaper bago pa sila masukol ng pulisya.
Kuha ni Jo­ven Cagande

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong hinihinalang karnaper makaraan umanong manlaban sa mga operatiba ng Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police District (ANCAR-QCPD) matapos sitahin ang mga una habang hatak-hatak ang dalawang hinihinalang nakaw na motorsiklo na walang plaka sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang mga nasawi na walang mga pagkakakilanlan ay pawang nasa pagitan ng 30-40 anyos, kung saan ang isa ay may tattoo na ‘Edina Larata’ sa kaliwang dibdib, habang ang isa ay trival, at ang isa ay mga pangalang ‘Rey Hika’ at ‘Orlan’ sa kanang braso at kaliwang braso.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Pasacola St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, sa lungsod dakong alas-12:43 ng mada­ling araw.

Bago ito, nakatanggap umano ang mga operatiba ng ANCAR-QCPD sa pamumuno ni P/Chief Insp. Hector Ortencio na may nabiktima ng carnapping sa may kainan sa nasabing lugar dahilan para magsasagawa ang mga ito ng anti-criminality operations.

Habang nagpapatrulya ay naispatan ng mga operatiba ang mga kahina-hinalang suspek habang itinutulak ang dalawang motorsiklong walang plaka. Nang sitahin ang mga suspek ay kumaripas ang mga ito ng takbo hanggang sa mauwi sa habulan.

Pagsapit sa naturang lugar ay pinaputukan ng mga suspek ang mga operatiba.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis dahilan para sila’y masugatan at itakbo sa Novaliches District hospital para magamot, pero pawang idineklara rin silang dead-on-arrival.

 Samantala, isang lalaki ang lumutang sa lugar at kinumpirma na kanya ang isang motorsiklo na tinangay umano ng mga suspek habang nakaparada ito sa parking lot ng isang kainan.

 Base sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa crime scene ang dalawang unit ng kalibre .38 baril, isang improvised handgun, apat na piraso ng plastic sachet ng shabu.

KARNAPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with