^

Metro

23 katao sugatan LPG refilling station sumabog, nauwi sa sunog

MOVE ON NA TEH! - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
23 katao sugatan LPG refilling station sumabog, nauwi sa sunog
Ito ang matinding pinsala na dinulot ng matinding pagsabog ng isang LPG refilling station sa Pasig City kahapon kung saan 23 katao ang nasugatan.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Sugatan ang may 23 katao sa naganap na dalawang pag-sabog sa isang Liquefied Petroleum Gas (LPG) refilling station, na nauwi pa sa sunog sa Brgy. San Miguel, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ni Senior Inspector Anthony Arroyo ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasig, nabatid na dakong ala-1:06 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Omni Gas Corporation, na nagre-refill ng mga LPG tanks, na matatagpuan sa Sandoval Avenue sa Brgy. San Miguel.

Lumilitaw na naipong LPG fumes ang siyang pinag­mulan ng pagsabog, na nauwi sa sunog, at nadamay ang mga kalapit na bahay, isang hardware store at maging ang Flying V gas station.

Ilan sa mga nasugatan ay nakilalang sina Epifanio Ausa, 50, na sinasabing nadaganan ng isang bumagsak na bahagi ng pader; at mga empleyado ng Ragasco na nakilalang sina Adonis Munoz, 22; Jayro Soriano, 22; Jectopher Cawili, 21; Romeo Eugenio, 28; Camilo Alcaraz, Jr, 18; Alejandro Conrad, 42; Raymundo Saturnino, 20; Jason Dagaw, 25; Philip Villota, 28; Domingo Guira, 29; Jeffrey Eugenio, 35; Raymart Eda, 22; Joel Eda, 28; Ramil Reden, 21; Arvin Bautista, 20; Jeter Brillantes, 25; Noriel Salamio, 22; Bryan Ludrico, 20 and William Khey, 39.

Nabatid na ang 13 umano sa mga pasyente ay kritikal ang kondisyon matapos na magtamo ng 3rd degree burns.

Ayon kay Arroyo, may mga naipong LPG fumes sa loob ng storage area ng refilling station na naging sanhi ng pagsabog at kaagad na pagsiklab ng apoy.

Nabatid na shocked ang mga residente dahil sa naganap  na pagsabog, lalo na’t nasira ang kanilang mga bahay, bumagsak ang kisame, may mga bumagsak na pader at may mga nabasag na salamin dahil sa tindi ng impact ng pagsabog.

Tinatayang aabot sa P20 milyon ang halaga ng mga ari-ariang napinsala dahil sa naturang insidente.

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->