^

Metro

Brgy. kagawad, todas sa ambush

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang barangay kagawad ma­tapos na tambangan at pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sakay ng da­lawang motorsiklo sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Randy Ilagan, ng  Kilometer 16, Ortigas Ave. Ext., Brgy. Sta. Lucia, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Higino Dancel, may hawak ng kaso, nabatid na ang pana­nam­bang ay naganap dakong alas-6:15 ng gabi sa M. Eusebio Street, Brgy. San Miguel, Pasig City.

Ayon sa report, minamahero ng biktima ng kanyang kulay puting Mitsubishi Montero na patungo ng Manggahan Floodway noong siya ay tambangan ng apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insi­dente si Ilagan dahil sa mga tama ng bala  na tinamo sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nakakuha ang mga kagawad ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng 10 basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa lugar ng insidente. Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo ng krimen at nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon kung may kinalaman sa droga ang naganap na pananambang at pagpatay sa biktima.

Bumuo na ang Pasig police ng Special Investigation Task Group para tutukan ang kaso. Si Ilagan ay nasa ikatlong termino bilang kagawad ng Brgy. Sta. Lucia ay sinasabing papauwi na sa kanilang tahanan nang maganap ang krimen matapos mag-asikaso ng ka­nilang business permit sa Pasig City Hall.

vuukle comment

RANDY ILAGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with