^

Metro

Nasaktan sa Traslacion, hindi naiwasan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nasaktan sa Traslacion, hindi naiwasan
Nagpilit ang maraming deboto na makasampa sa Andas para malapitan ang Black Nazarene kung saan dinaluhan ng milyong katao.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Bagamat hindi malubha, hindi naiwasang mayroong nasaktan sa mga deboto kung saan umaabot sa mahigit 200 deboto ng Itim na Nazareno ang nangailangan ng first aid bago pa man ang prusisyon, kahapon ng umaga.

Karamihan sa mga pasyente ay nahilo, nilagnat o tumaas ang presyon, ayon kay Dr. Virgilio Martin, head ng emergency unit ng Manila Health Department.

“Marami po tayong devotees, lalo na yung pumipila sa Pahalik, may mga karamdaman. Some of them have ongoing infections kaya mas malaki ang chances na dahil sa haba ng pila at nakabilad sila sa maghapon, ay mas lalo silang nagkakasakit,” ani Martin.

Ilang deboto rin ang nasaktan matapos mabagsakan ng bakal na railing sa Quirino Grandstand bago magsimula ang prusisyong magbabalik sa Itim na Nazareno sa Quiapo Church.

Tatlo sa kanila ay nabalian ng buto habang apat ay hinimatay dahil sa suffocation. Dinala na sila sa Ospital ng Maynila.

Base naman sa tala ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) dakong alas-9:00 ng umaga, mahigit 200 katao na ang nagkaroon ng minor injuries.

Ayon sa hepe ng MDRRMO na si Johnny Yu, kabilang dito ang tatlong babaeng deboto na nabalian ng buto nang mahulog at matapakan ng ilang deboto habang tinatangka nilang akyatin ang andas.

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with