Milyon dumagsa sa Traslacion: Deboto ng Nazareno ‘no fear’ sa terror threat

Napuno ng mga deboto ng Nazareno ang kahabaan ng Jones Bridge na isa sa dinaanan ng Traslacion.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - Hindi napigilan ng re-port na terror threat ang mga deboto ng Itim na Nazareno kung saan mil­yon ang iniulat na lumahok sa isinagawang Traslacion, kahapon.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy pa rin ang prusisyon para sa pagbabalik sa Na-zareno sa Quiapo Church.

Sa pangkalahatang,  iniulat ng Philippine National Police na naging maayos at payapa ang isinagawang Traslacion.

Ayon sa NCRPO, ala-1:00 ng hapon ay nasa 1.4 million na bilang ng mga deboto ang dumalo sa kapis-tahan ng Itim na  Nazareno.

“We have not recorded any untoward incident with regards to the procession,”  ayon kay NCRPO director Oscar  Albayalde.

Ayon sa NCRPO naglagay ng mga jamming device   na may isang kilometro ang layo at sinuspinde rin  ang permit ng pagdadala ng baril at epektibo ito hanggang ngayong araw  ng Martes ng umaga.

Kung saan nasa 5,700 bilang ng mga pulis ang iti-nalaga nila para magmantina ng peace and order at nagpatupad ng mahigpit na seguridad.

Alas-5:30 ng umaga ng magsimulang umusad  ang prusisyon mula sa Quirino Grandstand.

Kahapon ng umaga ay nagsagawa ng inspection at checkpoint ang pwersa ng pulisya  mula sa Quirino Grand Stand ng Luneta Park hanggang Quiapo.

“There was no report of pickpocketing, snatching, or even missing children,” sabi pa ni Albayalde.

Alas-6:00 kahapon ng umaga ay pinutol ang linya ng komunikasyon at bu-malik lamang ito matapos ang 20-oras.

Show comments