^

Metro

Parak dedo sa grupo ng mga adik

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang pulis ang nasawi habang ang isa pa nitong kasamahan ay nasugatan matapos makipagbarilan sa isang ex-convict  na kilabot na holdaper at addict na ka­nilang tinutugis, kamakalawa sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital si PO1 Enrico Domingo, naka-talaga sa Special Operation Unit (SOU), Pasay City Police sanhi ng tinamong  tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan. Samantalang ang kasama nitong  si PO2 Harley Garcera ay ginagamot sa naturang ospital sanhi rin ng tinamong tama sa katawan.

Samantala, nagsasagawa na ng manhunt operation ang pamunuan ng Pasay City Police laban sa suspect na si Randy Lizardo, isang dating bilanggo na miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’, isa rin umanong kilabot na holdaper at addict na kasama sa drug  watchlist  ng pulisya at sa dalawa pa nitong kasama.

Ayon sa tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), Police Supt. Jenny Tecson, chief ng Public Information Office (PIO), naganap ang insidente alas-5:20 ng hapon sa  panulukan ng Pestañas St.,  at  Park Avenue, Brgy. 69, Zone 9 ng naturang lugar.

Bago ang insidente, mag- sasagawa sana ng anti-cri-minality operation ang grupo ng SOU sa area ng Gil Puyat at Taft Avenue laban sa mga masasamang elemento na gumagala sa lugar tuwing rush hour.

Subalit, may nakapag-tip sa mga pulis na may nagaganap na drug session sa isang shanties sa naturang lugar, dahilan upang puntahan ito nina PO1 Domingo at PO2 Garcera kung saan nasalubong nila ang live-in partner ng suspect na si Lizardo.

Habang papasok ang mga pulis ay kaagad silang pinaputukan ni Lizardo at ng dalawa pang kasama nito.

Dahil dito, gumanti na rin   ng putok ang mga pulis su-ba­lit tinamaan sina PO1 Domingo at Garcera.

Mabilis na dinala ng Pasay City Rescue Team ang dalawang pulis sa naturang ospital, subalit si PO1 Domingo ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Narekober ng Scene Of the Crime Office (SOCO) ng SPD sa pinangyarihan ng insidenye ang ilang basyo ng bala ng kalibre .45 baril, mga bala ng .9mm at 5 plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL SI PO1 ENRICO DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with