Kelot itinumba

MANILA, Philippines – Isang hindi kilalang lalaki ang pinagbabaril at pinatay ng riding in tandem kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Nakala­gak ngayon sa Rizal Funeral Homes upang i-autopsy ang biktima na tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos ang edad,  may taas na “5’4”,  nakasuot ng kulay berdeng sando at brown na cargo pants. Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspect at nagsasagawa pa ng follow-up operation hinggil dito. Ayon sa Pasay City Police, naganap ang insidente, alas-10:00 ng gabi sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Brgy .76 ng nasabing lungsod.

Show comments