PO1 sa kaso ng 17-anyos na tinamaan ng ligaw na bala tiklo

MANILA, Philippines – Hawak na ng Quezon City Police District ang isang lalake na itinuturing na “person of interest” kaugnay sa 17 anyos na binatilyo na tinamaan ng bala noong ka­sagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay QCPD P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, kinilala ang naturang lalaki na si Jaime Pabua, 49, residente din sa nasabing lungsod.

Sabi ni Eleazar na si Pabua ay nakuhanan ng isang kalibre 45 baril na walang lisensya matapos ang pagresponde ng mga tropa ng QCPD Police Station-6, nang tamaan ng stray bullet ang biktimang si Leomar Aquino sa Purok Pagasa, Barangay Batasan Hills, ng naturang lunsod noong bisperas ng Bagong Taon.

Subalit, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa anya makumpirma ng ka­ni­lang imbestigador sa kaso kung ang baril na nakumpiska kay Pabua ay siyang pinagmulan ng bala na tumama sa biktima dahil hindi pa umano ito naooperahan.

Ang nasabing bala, sabi pa ni Eleazar, ang magsisilbing batayan ng kanyang mga tauhan para sa pagsasagawa ng cross examination o ballistic examination sa bala na makukuha sa katawan ng binatilyo at sa nakuhang baril   sa person of interest.

Gayunman, isinalang na sa inquest proceedings ng PS-6 si Padua sa kasong ille­gal possession of firearms.

Show comments