^

Metro

Bagitong pulis, timbog sa indiscriminate firing

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagdiwang  ng isang bagitong pulis sa kulungan ang pagsalubong sa  Bagong  Taon  nang arestuhin ng mga kapwa pulis dahil sa illegal na pagpapaputok ng baril sa Tondo, Maynila.

Hawak pa ni PO1 Daniel Castillo, 26, residente ng Welfareville Compound, Mandaluyong City  at nakatalaga sa Gagalangin Police Community Precinct  ang baril nang  datnan ng mga pulis na noo’y  rumes­ponde sa isang tawag. 

Lumilitaw na nagpapatrulya umano sina PO1’s Rommel Sulat at  Pius Owen Canlas  sa may kahabaan ng Benita Street, Brgy. 179, Gagalangin, Tondo nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril dakong alas 11:56 ng gabi.

Agad na iniradyo nina Sulat sa  Manila Police District-Station 1 commander P/ Supt. Robert Domingo kung saan iniutos naman nito na arestuhin ang responsible sa pagpapaputok ng baril.

Nang pagliko sa kalsada sinalubong sila ng isang residente at itinuro si Castillo, na siyang nagpapaputok ng walang habas.

Mapayapa naman sumama ang pulis na noon ay nakasuot ng sibilyan at nakatikim ng mga maanghang na salita kay Domingo at iniutos rin nito ang pagsasampa ng kaso laban kay Castillo.

 Nalaman na nagpositibo rin si Castillo sa alcohol dahilan para mas lalong bumigat ang kanyang kaso at kinumpiska rin ang kanyang service firearms.

BAGONG TAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with