^

Metro

People Asia Magazine awardee Vice Mayor Joy B, best public servant

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
People Asia Magazine awardee Vice Mayor Joy B, best public servant

QC Vice Mayor Joy Belmonte

MANILA, Philippines - Ginawaran ng parangal bilang natatanging public ser­vant si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Si Belmonte ang natata­nging lingkod bayan na napili bilang isa sa ‘People of the Year’ awardees kasama ang mga kilalang artista at media personality.

“Maraming salamat muli People Asia Magazine sa pagpili sa akin bilang isa sa mga ‘People of the Year’ awardess ninyo, isang karangalan po ito para sa akin” pahayag ni Vice Mayor Belmonte.

Naging maningning ang pagiging isang lingkod bayan ni Belmonte nang patuloy na itaguyod ang programang ‘Joy of Public Service’ na kumakalinga sa mga kapuspalad na taga-QC, mga kabataan at kababaihan, single parent, elderly, may kapansanan, LGBT community at mga NGO’s kasama na ang mga vendors association, tricycle association at iba pa.

Bilang patunay sa mahusay na serbisyo sa QC, ang ‘Joy Belmonte Volunteers Group’ ay patuloy sa pagdami ang bilang na may mahigit na sa 20,000 katao na kasama niya sa paglalaan ng serbisyo na libre at walang sahod para maglingkod para sa kapakanan ng mga taga-QC.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with