MANILA, Philippines - Apatnaput-walong taong pagkabilanggo ang hinatol sa dating intelligence agent ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mapatunayang guilty sa pamemeke ng kanyang daily time record para lamang maipakitang siya ay pumapasok sa trabaho kahit absent.
Ayon ng tanggapan ng Ombudsman, si dating NBI agent Crizalina Torres ay nahatulan ng Manila Court ng pagkakulong ng 48- taon sa kasong 6 counts ng Falsification of Public Documents.
Sa kasong ito walong taon bawat isang count ang hatol kay Torres .
Nagpabigat sa kaso ni Torres ang paggamit ng kanyang posisyon nang mameke ng kanyang DTRs at applications for leave of absence sa pamamagitan ng paggaya sa pirma ng kanyang mga amo sa opisina mula August 2010 hanggang January 2011 gayung hindi naman siya pumapasok sa trabaho.