^

Metro

Street sweeper, todas sa trader

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Street sweeper, todas sa trader

Namatay habang isinusugod sa Ospital ng Sampaloc si Marvin Pizarras, 35 ng No. 976 Basilio St. Sampaloc, Maynila. Agad namang sumuko sa pulisya matapos tumawag sa 117  ang suspek na si Domingo Jamero Jr., residente ng  973 Basilio St. Sampaloc, Maynila. File photo

MANILA, Philippines – Isang street sweeper ang binaril at napatay ng isang negos­yante kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Namatay habang isinusugod sa Ospital ng Sampaloc si Marvin Pizarras, 35 ng No. 976 Basilio St. Sampaloc, Maynila. Agad namang sumuko sa pulisya matapos tumawag sa 117  ang suspek na si Domingo Jamero Jr., residente ng  973 Basilio St. Sampaloc, Maynila.

Nag-ugat umano ang pagsasagutan ng suspek at biktima  dakong alas-5 ng hapon nang sitahin ng una ang huli dahil sa madalas umanong paghaharang ng kariton ng biktima sa driveway ng kanyang bahay.

Nabatid na ilang beses na umano niyang pinagsabihan ang biktima na huwag iharang sa kanilang driveway ang kariton ng basura pero sa halip na sumunod ay pinagbabato pa siya nito.

“Pinagbabato niya ako, hindi ko naman intensiyon na patayin siya  gusto ko lang sana na patamaan sa mas mababang parte ng katawan para tumigil na siya kaso noong dumampot uli siya ng bato, dun ko nakalabit yung trigger kaya tinamaan siya sa likurang bahagi ng kanyang ulo”, ayon sa suspek.

 Inihahanda naman ni PO3 Aldeen Legaspi, ng MPD-Homicide Section,ang pagsasampa ng kasong homicide laban sa suspek sa Manila Prosecutors Office (MPO).

Inilipat ang bangkay sa Prudential Funeral para sa awtopsiya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with