^

Metro

Quezon City buy-bust: 5 tanod utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang kagawad ng Barangay Public Safety Officer (BPSO) na umano’y sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga ang nasawi, makaraang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Quezon City Police Station-6 sa Brgy. Commonwealth, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinarating kay QCPD Director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar,  nakilala ang mga nasawi na sina Raymond Sta Rita, alyas Rara, 48; Rodolfo Sta Rita, alyas Gangster; Arnel Tiglao, alyas Iglao, 43, Justine Redge Cayari, alyas Rykel, 26, pawang mga residente sa Ipil-Ipil St., Group 1, Area B, Brgy. Payatas QC; at Wisely Olarte, alyas Nono na residente ng Doña Carmen Subdivision, Brgy. Commonwealth QC.

Base sa imbestigas­yon ni PO3 Jerome Dollente ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang insidente malapit sa Base 9 ng brgy. outpost ng Brgy. Commonwealth na nasa  Samsung St., kanto ng Doña Nicasia St, dakong alas-11:40 ng gabi.

Bago ito, ganap na alas-11:40 kamakalawa ng gabi nagsagawa ang mga operatiba ng SAID-STOG ng PS-6 sa pangu­nguna ni P/Chief Insp. Sandie Caparroso, ng buy-bust operation laban kay alyas Rara na kilalang drug pusher at lider ng gun for hire na nag-ooperate sa Brgy. Commonwealth at Brgy. Payatas sa lungsod.

Matapos ang palitan ng items ng suspek na si Rara at isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa halagang P1,500 shabu ay nakatunog ang una na parak ang ka-transaksyon kung saan agad nitong inalarma ang mga kasama tungkol sa presensya ng mga pulis kasabay nang pagpapaputok ng baril.

Naglabasan na rin sa outpost ang mga kasamahan ni Rara na nakipagsabayan na rin ng barilan sa mga pulis dahilan naman ng kanilang kamatayan.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene, narekober ang 15 piraso ng basyo ng bala mula sa kalibre .9mm na baril; 11 piraso ng basyo ng bala mula sa kalibre 5.56 mm; tatlong sachet ng shabu, buy-bust mo­ney; tatlong kalibre .45 baril; dalawang kalibre .38 baril; mga drug paraphernalia; tatlong motorsiklo, patalim, improvised na pana, at tatlong piraso ng sachet ng shabu at buy-bust money.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with