MANILA, Philippines – Nagkaroon ng tensyon kahapon ng umaga sa Manila City hall nang matagpuan ang umano’y isang ‘‘bomba’’ sa isang gate dito.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Explosive and Ordnance Division sa gate sa Natividad Street sa harap ng Liwasang Bonifacio dakong alas-6 ng umaga upang i-detonate ang bomba na nadiskubreng peke.
Nabatid na ang pekeng bomba na may tatlong dynamite sticks, wires, at cellphone ay natagpuan ng street sweeper na nakila-lang si Junmar nang magtatapon siya ng basura.
Sinabi naman ni Supt. Romeo Desiderio, hepe ng MPD Ermita police station wala umanong explosive component ang natagpuang IED.
Indikasyon lamang ito na nais lamang manakot ng lang sibilyan. Aniya, walang dapat na ikabahala ang publiko.
Idineklarang cleared ang lugar bandang alas-7:30 ng umaga.
Matatandaang kamakailan lamang nang matagpuan ang isang IED malapit sa US Embassy.