^

Metro

Supplier ng droga ni Kerwin, sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Supplier ng droga ni Kerwin, sumuko

Sumuko kay PNP Chief P/Director General Ro-nald ‘‘Bato’’ dela Rosa ang  pinaghihinalaang drug queen na supplier umano ng droga ni Kerwin Espino­sa, ang sinasabing number 1 drug lord ng Eastern Vi­sayas. The STAR/Joven Cagande    

MANILA, Philippines - Sumuko kay PNP Chief P/Director General Ro-nald ‘‘Bato’’ dela Rosa ang  pinaghihinalaang drug queen na supplier umano ng droga ni Kerwin Espino­sa, ang sinasabing number 1 drug lord ng Eastern Vi­sayas.

Sinabi ni dela Rosa na ang suspek na si Lovely Adam Impal ay sumuko sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga bago ang flag raising ceremony.

“If you can recall merong nabanggit si Kerwin na ka-level lang n’ya na drug lord or drug queen, na ang pangalan ay si Lovely Adam Impal, nag-surrender siya sa akin,” pahayag ni dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, nagdesisyong sumurender si Impal matapos lumutang ang pangalan nito sa nari-nig nitong mga balita sa national television dahilan sa natakot ito na marami ang magka-interes at hantingin siya.

“Kusa siyang nag-surrender, yun nga lang I’m not satisfy dun sa mga statement niya kaya ipinasa ko sa AIDG (Anti-Illegal Drugs Group),” ani dela Rosa para maisailalim ito sa masusing imbestigasyon.

Sinabi ni dela Rosa na si Impal ay ineskortan ng  hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police patungong Camp Crame.

Una nang ibinulgar ni Kerwin sa pagdinig ng Senado na siya at ang drug lord  ng Cebu na si Jeffrey “Ja-guar” Diaz ay kumukuha ng drug supply mula kay Impal.

Nabatid na si Impal ay may mga tahanan sa Cagayan de Oro City, Iligan City, Bukidnon gayundin sa Makati City.

Samantala naghihinala naman si dela Rosa na hati sa katotohanan at kasinu-ngalingan ang mga sinasabi ni Impal sa mga awtoridad.

“Iyong ibinibigay niyang impormasyon ay iyong alam niya na hindi masyadong makakadiin sa kanya. Iyong makakadiin sa kanya di naman niya inire-reveal,” ayon sa Chief PNP.

Kaugnay nito, nagbabala naman si dela Rosa na sa sandaling lisanin ni Impal ang kustodya nito sa PNP ay maaaring abangan ito at itumba ng mga sindikatong naghihinalang inilaglag nito sa mga awtoridad.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with