44 oras water interruption sa 15 brgy. sa Quezon City
MANILA, Philippines - Halos dalawang araw o 44 oras na mawawala ang supply ng tubig sa may 300,000 customers ng Maynilad Waters sa Quezon City o may 15 barangay sa lungsod.
Ito ay ayon sa Maynilad ay mula alas-8:00 ng gabi ng December 5, araw ng Lunes hanggang sa alas-4:00 ng hapon ng December 7, araw ng Miyerkules.Ang mga apektadong lugar ay ang Brgys. Apolonio Samson, Baesa, Bahay Toro, Bungad, Damayan,Del monte, Katipunan, Mariblo, Paltok, Paraiso, San Antonio, Sangandaan,Talipapa,Tandang Sora at Vete-rans Village.
Ayon sa Maynilad Waters, ang water interruption ay dulot ng gagawing pagpapalit ng kompanya sa mga depektibong balbula sa kanilang 4-foot-diameter primary line sa may Tandang Sora Avenue sa Quezon City.
Humingi naman ng paumanhin ang Maynilad sa mga apektadong lugar. May 14 na water tanker ang ikakalat ng Maynilad sa mga apektadong lugar para may magamit na suplay ang mga residente sa nabanggit na mga barangay.
- Latest