Mayor Abby Binay, kinasuhan sa Ombudsman dahil sa illegal gambling

Kinasuhan ng graft sa tanggapan ng Ombudsman ng Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) Incorporated si incumbent Makati City Mayor Abigail Binay bunga ng umanoy kapabayaan ng opisyal para pigilan ang paglaganap ng ilegal na mga pasugalan sa Lungsod.
Philstar.com, file

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft sa tanggapan ng Ombudsman ng Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) Incorporated si incumbent Makati City Mayor Abigail Binay bunga ng umanoy kapabayaan ng opisyal para pigilan ang paglaganap ng ilegal na mga pasugalan sa Lungsod.

Sa walong pahinang reklamo, binigyang diin ng ATM sa pamamagitan ng Chairman nito na si Leon Estrella Peralta na nilabag umano ni Binay at ng mga opisyal ng Business Permits and Licen­sing Office (BPLO) ng Makati City ang graft law dahil sa kabiguan na tanggalin ang illegal online gambling sa lungsod.

Sa kanyang affidavit, sinabi ni Peralta na ang mga ilegal na pasugalan sa Makati ay gina­gamit din umano sa kalakaran ng ilegal na droga bukod sa paggamit sa pasu­galan bilang Business Process Outsour­cing para makakuha ng permit to operate.

Inihalimbawa ni Peralta ang ginawang raid ng CIDG kamakailan sa Hao Yung Solutions sa Ayala Avenue, Makati na nagpanggap bilang call center pero sa katotohanan ay isa itong online casino dahilan para maaresto ang 54 mga undocumented na dayuhan dito.

Binigyang diin nito na kinailangan nilang kasuhan si Mayor Binay dahil sa kapakanan ng mamamayan ng lungsod ang nakataya sa pagbalewala ng alkalde na lumaganap ang illegal na sugal sa Makati.

Show comments