Kelot dedo, 3 pa arestado sa Oplan Galugad

MANILA, Philippines – Isang lalaki na may kinalaman sa iligal na droga ang nasawi ha-bang tatlo pa ang na­a­res-to matapos na umano’y manlaban ang una sa mga operatiba ng Quezon City Police sa isinagawang anti-drug operations sa Novaliches sa lungsod kamakalawa.

Sa ulat kay QCPD Director P/Sr. Supt. Guil-lermo Eleazar, walang nakuhang pagkaka-kilanlan sa biktima na isinalara­wan na 30-35 ang edad,  payat, moreno, nasa pagitan ng taas na 5’5” - 5’6”.

Naaresto naman ang iba pa na sina Jhan Dave Ramirez, Adrian Mark Musa, at Noly Requez.

Ayon sa ulat ni PO3 Mark Evaristo ng PS-4 ang operasyon ay isi-nagawa ng Police Station-4 sa pamumuno P/Sr. Insp. Romulo Terrado at 50 personnel nito.

Nangyari ang insi­dente sa may no. 28 Ge­ronimo St. Brgy. Sta. Mo­nica, Novaliches, QC, dakong alas 8:30 ng gabi habang nagsa­sagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa nasabing lugar at mapuna ang isang grupo ng kalalakihan na nag-bebenta ng shabu.

Nang lapitan ng mga operatiba ang mga lalaki ay biglang nagsipagkalasan patakbo ang mga ito sa iba’t ibang direksyon pero isa sa kanila ang pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad sanhi para masugatan ang suspek na agad namang itinakbo sa Nova District Hospital ngunit idineklara rin itong patay.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 45 na may apat na pirasong bala, dalawang basyo, tatlong sachet ng shabu, at paraphernalias.

 

Show comments