Sa Maynila 7, 168 brgy. chairman sasailalim sa drug test

MANILA, Philippines - Sasailalim sa drug test sa Lunes ang 7,168 na barangay chairman sa lungsod ng Maynila. 

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng kanyang babala na mabigat na parusa ang naghihintay sa sinumang barangay officials na magpo­positibo sa droga.

Ayon kay Estrada, masasampulan ang mga barangay officials na hindi magpapakita sa Manila Barangay Bureau (MBB). Inaasahang pangungunahan ni MBB Director Arsenic Lacson ang screening ng unang batch ng mga barangay officials na isasalang sa drug test sa city hall simula alas-9 ng umaga.

“Hindi tayo tatanggap ng anumang rason o alibi. Dapat silang pumunta at magpa-drug test,” ani Estrada.

Nitong Agosto 8 ay pinangunahan ni Estrada ang 36-mi-yembro ng Sangguniang Panglunsod, kabilang na si Vice Mayor Honey Lacuna, sa pagpapasailalim sa drug test. Negatibo si Estrada gayundin ang konseho ng Maynila.

Sinabi naman kay Lacson, naglaan ang Department of Health ng 8,000 drug test kits para sa 7,168 elected barangay officials ng lungsod.

Show comments