^

Metro

3 todas sa drug buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong lalaki na kabilang sa drug watchlist ang napatay matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District-Station 3, sa Antipolo, panulukan ng Leonor Rivera Sts., sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jay-R Pamilar, na kamag-anak umano ng isang dating pulis, isang Allan Salon at isang kilala lang sa alyas na  “Dodong”.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:45 ng tanghali nang ikasa ang operasyon laban sa target na si Jay-R Pamilar, sa bahay na tinutuluyan nito sa Antipolo St., tapat lamang halos ng barangay hall.

Nakahalata ang mga suspek na setup ang bilihan kaya’t agad na nagsibunot ng baril at nakipagputukan  ang mga ito sa mga pulis sa pangunguna ni Plaza Miranda Police Community Precinct chief, Chief Insp. John Guiagui.

Nagsilbing perimeter naman ang mga tauhan ni  Blumentritt PCP commander C/ Insp Marlon Mallorca.

Nabatid na nasa watch-list ni MPD-Station 3 commander P/Supt. Santiago Pascual si Pamilar at dala­wang beses nang sinubu­kang hulihin sa Oplan Tok­hang ng grupo ni Mallorca  subalit nakaka­takbo umano ito dahil sa dami ng look-out.

Kahapon ay may asset naman si Guiagui kaya natukoy ang eksaktong pinaglulunggaan ni Pamilar kaya ito napatay.

Ang kahabaan umano ng Antipolo St. ay sinusuplayan ni Pamilar ng shabu na hinahango mula sa Islamic Center at parukyano umano nito ang mga trabahador     sa palengke kabilang ang mga nagkakatay ng manok.

Nasamsam kay Pamilar ang isang notebook na may listahan ng mga panga­lan ng mga kumukuha sa kanya ng iligal na droga, narekober din sa kaniya ang kalibre 45 isang Magnum 357, kalibre 38 baril at mga sachet ng di pa mabatid na dami ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Maliban dito, may binitbit pa umanong apat na katao o inaresto ang grupo ni Guiagui.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with