^

Metro

Sagabal sa daan giniba, mga naka-park hinila R10 sinuyod ng city hall, DPWH at MMDA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga residente sa kahabaan ng  Road 10  sa Tondo, Maynila nang sabay-sabay na duma-ting ang mga tauhan ng  Manila City Hall, Department of Public  Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority upang linisin ang kalsada mula sa mga obstruction at sasak-yang ilegal na naka-park.

Hindi malaman ng mga residente ang  gagawin nang  bumulaga sa kanila ang 10 towing truck ng MMDA, upang hatakin ang mga sasak-yan; limang truck ng DPWH upang hakutin ang basura at illegal construction gayundin ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na nagtiket sa mga illegally park vehicle at Department of Public Service na naglinis sa lugar.

Ayon kay Che Borromeo, hepe ng DPS, kailangan nang linisin ang kahabaan ng R10 dahil itinuturing din itong ‘‘Mabuhay Lane’’ o alterna­tibong  daan patungong Ma­kati o NAIA.

Sinabi ni Borromeo na bibigyan nila ng tatlong araw ang mga may-ari ng concrete establishment na nakakaharang sa daanan ng mga sasakyan na gibain ang mga ito. Makalipas ang tatlong araw at walang nangyari sa kanilang abiso, mapipilitan silang gibain ito.

Aniya, dapat na ibalik sa dating 6 lanes ang kalsada  upang mas maging mabilis ang  operasyon ng kalakal at daloy ng sasakyan.

Alas -8:45 ng umaga nang  simulan ang joint clearing operation kung saan hindi nakaligtas sa pagbabaklas ng obstruction ang barangay hall ni  Brgy. Chairman  Mario Palarca ng Brgy. 30 Zone 2.

Nagkaroon  din ng tensiyon nang almahan ng isang pamilya na may kainan ang pagbabaklas ng DPS. Tinangkang pigilan ng mga ito ang  mga tauhan ng DPS na gibain ang kanilang maliit na kainan subalit wala ding nagawa ang  mga ito.

MATOBATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with